Wednesday, December 7, 2022

Ito na naman tayo.

Posted by Kyashi at 12:18 AM
Ang daming nangyayari.
Sobrang pagod na pagod na pagod na ako.
Pagod na akong umiyak.
Pagod na ako masaktan.

Oo, hindi tulad ng sa iba yung pinagdadaanan ako. May iba nga, mas malala pa. Pero bakit hindi ko magawang hindi masaktan ng ganito. Makasarili ba ako na ganito nararamdaman ko?

Pagod na ako masaktan sa pamilya ko.
Pagod na ako mareject ng lalaking nagugustuhan ko.
Pagod na ako ipaglaban yung sarili ko para mapansin naman ako.

May naniniwala naman sakin at sa kakayahan ko, pero natatakot ako na dumating yung araw madidisappoint lang sila at tulad ng iba, iniwan ako at tinapon na parang basura.

Bakit ba ang hirap hirap mabuhay?
Bakit ba kailangan lumaban para mabuhay? para magkaron ng pwesto sa buhay ng mga tao? 
Bakit ang hirap maramdaman yunh pagmamahal ng mga taong nagsasabi na mahal nila ako at importante daw ako sa kanila?

Bakit ba ang hirap hirap hirap mahalin ang sarili ko?
Para hindi na ako umasa sa kanila.
Para kahit wala nang magmamahal sakin, okay lang.

Saan ba kasi lahat ng 'to papunta?
Alam ko naman na may end story to eh. May rason bakit ko kailangan pagdaanan to. Pero Lord, sobrang sakit na talaga eh.
Masakit na nga emotionally, babalakin ko pa bang masaktan physically? quota na Lord. Huwag naman po ganito. Hindi ko na po alam hanggang saan ko pa kakayanin eh.

Lahat na ng ginusto ko, ginigive up ko kungdi para sa iba, para lang hindi na ako makarinig ng masasakit na salita. Itong trabaho ko na lang yung pinangangalagaan ko kasi ito na lang yung isang bagay na talagang binigay Mo na hindi pa masakit eh. Pero lahat na lang ng aspeto ng buhay ko ngayon, Lord, masakit na eh

Hindi ko alam kung makakakanta pa ako ulit.
Hindi ko alam kailan ko matatanggap na hindi na ako papayat ng dati.
Hindi ko alam kailan maayos itong pamilya ko.
Hindi ko alam kung magkaka-asawa at sariling pamilya pa ako.
Hindi ko alam kung kaya ko pa magserve sa simbahan.
Hindi ko alam kung natutuwa Ka pa na pag nagseserve ako.
Hindi ko alam kung may lugar pa ba ako sa mga ministry na pinagsisilbihan ko.
Hindi ko alam kung kaya ko pa ba umasa at mangarap ulit.

Dadating pa ba yung araw na talagang magiging masaya ako tulad ng dati? Na hindi ko na iindahin yung sakit ng buhay?
Dadating pa kaya yung araw na hindi na ako matatakot maging mag-isa?
 

The REAL Katty Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos